… when we speak of national security, what we refer or should refer to is the security of the people, not of the governors… -Jose W. Diokno (A Nation for Our Children)
Ang Human Security Act of 2007 o 'Batas sa Terror' (RA 9372): Batas Kontra Terorismo o Batas na Magpapalala sa Terorismo? Bakgrawnd:
Agad matapos ang kaganapang 9/11, naging matunog sa buong mundo ang kampanya laban sa terorismo sa pangunguna ng gubyerno ni George W. Bush. Ang kampanyang ito ay nag-anak din ng marami at masaklaw na mga polisiya’t patakaran ng mga gubyernong tagasunod ng US upang nagkakaisang sugpuin daw ang pandaigdigang salot na terorismo. ultimo maisalang ang karapatang-pantao at kalayaan ng mamamayan. Araw-araw, laman ng mga balita ang iba’t ibang klase ng teroristang pag-atake o banta ng pag-atake sa iba’t ibang panig ng mundo. Pinalalaki ang usapin kapwa ng international at domestic terrorism. At dahil may basbas ng pinakamakapangyarihang bansa sa daigdig – ang U.S., ginagamit nang husto ng mga estado ang anti-teroristang linya para magpasa at magpatupad ng mga batas at polisiyang susugpo sa terorismo.
Sa ngalan ng kampanyang ito, lalong pinatindi ang militarismo at gyera at ang mabilisang pagpapasa ng mga bagong patakaran...
[More]
Posted at: 10:49 AM | 9 Comments | Add Comment | Permalink