Kilusan ng Kabataan
Ang Youth for Nationalism and Democracy o YND
I. Ang Kasalukuyang Sistemang Panlipunan sa Pilipinas
Ang patuloy na dominasyon at kontrol ng imperyalismong US sa Pilipinas ang nagtatakda sa kasalakuyang katangian ng lipunang Pilipino. Sa kabila ng sinasabing “pagbibigay ng kalayaan’’ at pagtatayo ng isang lokal na estadong hawak at pinangangasiwaan ng mga lokal nagsasamantalang uri sa Pilipinas, nanatili ang kontrol ng US sa ekonomya, pulitika at kultura ng bansa.
Ang imperyalismong US ang siyang nakapangibabaw na pwersa sa lokal na ekonomya at siyang nakapagtatakda ng direksyon ng paggalaw nito. Nagagawa ito bunga ng pagkakatali ng pambansang ekonomya sa isang di pantay na kalakalan sa ekonomya ng US at ng makapangyarihang pusisyon ng imperyalistang kapital ng US sa inog ng ekonomya at maging ng gubyerno sa Pilipinas.
Una, ang produksyon ng Pilipinas ay dinisenyo para sa pangangailangan ng industriya ng US, at pangunahing umaasa dito. Sapul sa umpisa, ang produksyon sa Pilipinas, agrikultural man o industriyal, ay ginagawang dependent sa capital goods industry ng US para sa makinarya, kemikal, panggatong, at iba pang batayang pangangailangan ng industriya. Sa kabilang banda ang pinatampok na produksyong ay yaong mahigpit na kakawing ng pangangailangan ng industriyang US para sa mga hilaw na materyal tulad ng mineral, kahoy, asukal, langis ng niyog, raber, gayundin yaong ektensyon ng sistema dito ng sub-contracting tulad ng mga pagawaan ng mga kasuotan at kagamitang pang-katawan at mga laruan. Mula dekada 70, tampok na rin ang pagdami ng mga empresa para sa semi-processed goods na muling ineexport tulad ng semi-conductors. Sa madaling sabi, ito’y produksyong magbibigay bentahe sa Amerikanong monopolyo kapital ng murang lakas-paggawa.
Pangalawa, ang Pilipinas ay ginagawang pamilihan ng mga produktong pang konsumo ng industriyang US-sasakyan (Ford, Chrysler, General Motors), gamit sa bahay (G.E), gamit sa upisina (IBM, Apple, Microsoft, Intel), gamit sa katawan (Procter&Gamble, Levi’s, Nike, Pampers, sanitary napkins etc.) at pagkain (chocolate,trigo o wheat, fries, etc.).
Pangatlo, nalikha sa Pilipinas ang isang pinansyal na pamilihan na malalim na nakasandig sa Amerikanong finance-capital ito ang nagdodomina sa lokal na ekonomya sa pamamagitan ng pagpapautang, pagbabangk, insurance, stocks at securities market.
Pang-apat, ang operasyon mismo ng lokal na reaksyuaryong gubyerno ay mahigpit na sinusuhayan ng Amerikanong sa pinansya sa pamamagitan ng pautang at iba’t ibang anyo ng “development aid”. Sa pamamagitan nito, nagagaw ng imperyalismong US na magdikta ng mga patakarang pang-ekonomiya at pampulitika.Maliban sa papel ng Amerikanong kapital sa pinansyasa pagtatakda ng mga patakaran sa ekonomya, nagagawa ng imperyalistang estadong US na tuwirang makialam sa lokal na pulitika. Ang US ang nagsasanay, nag-aarmas at nagsusustini sa mga pangangailangan ng reaksyunaryong sandatahang lakas, at di bumibitiw na tagapayo nito, ng pinakahalagang haligi ng reaksyunaryong estado. Gayundin, sa pamamagitan ng iba’t ibang mga kasunduan, pasok ang mga tagapayong US sa operasyon ng iba’t ibang ahensya ng gubyerno. Tagapayong nagbibigay-“pabuya” kapag sinusunod; humahaplit ng sinturon kapag sinusuway. Nagagawa ng mga dambuhalang industriya ng mga imperyalist na tiyakin ang mga patakarang pabor sa kanilang interes sa pamamagitan ng tuwirang panunuhol. Ang pag-iral ng mga lobby groups-tobacco, mining, oil, banking, information technology, etc.- at kanilang malakas na impluwensy sa pagtatakda ng mga patakaran at programa ng lokal na gubyerno ay isang realidad sa reaksyunaryong pulitika sa bansa.
Panghuli, ang mga multilateral na institusyon at organization-IMF, WB, WTO, APEC, ASEAN- na nilikha at kontrolado ng mga imperyalistang kapangyarihan ay naging epektibong instrumento upang bigyang direksyon ang mga patakarang panloob ng bansa. Ang dominanteng papel ng imperyalismong US sa relasyon sa Pilipinas sa sadyang pinagsilbi sa imperyalistang interes. Walang humpay na ekstraksyon ng superganansya ng imperyalistang amo sa kanyang kolonya ang pamalagiang katangian ng naturang relasyon. Malayong di-hamak ang tantos ng pagtubo ng Amerikanong kapital sa Pilipinas kung ihambing sa kinikita nito sa sariling bayan. Noong 1965, sa datos ng Central Bank, $4 ang inilabas ng mga multinasyunal na korporasyong Amerikano sa bawat $1 na kanilang ipinasok. Noong 1991, $2.97 ang inilabas ng mga dayuhang korporasyong nag-oopereyt sa Pilipinas sa bawat $1 na ipinasok. Ito’y sa panahong ang tantos ng pagtubo ng kapital sa kapitalistang daigdig ay bumaba na sa 12% o $0.12 sa bawat $1!
Ngunit lampas dito, ang neokolonya ay nagagamit ding reserbang pwersa para sa operasyon ng imperyalismong US sa gawing ito ng daigdig. Sa mahabang panahon, ang mga base-militar sa US sa Pilipinas ay nagsilbing lunsaran ngkanyang digma sa iba’t ibang panig ng Asya at ang mga sundalong Pilipino ay reserbang pwersang magagamit sa pakikidigma. Kahit makaraang maipatanggal ang mga base militar, ang parehong interes ay natutugunan sa pamamagitan ng kasalukuyang Visiting Force Agreemant na ngayo’y nais paunlarin sa Military Support and Logistical Agreement (MLSA). Ang Pilipinas, buhat noong 1900 ay baseng tutungan at abanteng poste (advance post) ng pangangalaga sa imperyalistang US na interes sa Asya at Pasipiko.
Ang dominansya ng imperyalismong US ang siyang pangunahing dahilan kung bakit nanatiling atrasado, underdeveloped at dependent ang kaayusang panlipunan sa Pilipinas. Binansot ng imperyalistang diktasyon at elektraksyon ng superganansya ang pag-unlad ng pang-ekonomya, pampulitika at pangkulturang buhay sa Pilipinas at pinanatili itong pangunahi’y nakapirmi sa pre-kapitalistang antas. Di nito pinahintulutan ang akumulasyon ng yaman ng lokal na ekonomya at ang kinakailang pagpapaunlad ng mga produktibong pwersa ng mga relasyon sa produksyon. Pinasaklaw at pinanatili nito ang panginoong lupa (landlordism) alinsunod sa interes para sa mga agrikultural na hilaw na materyal. Ang bansot na kalagang ito sa kabilang banda ang nagpapalawig sa mga pyudal at malapyudal na relasyong dagdag na pinapasan ng mamamayang Pilipino. Malapudyal at neokolonyal ang kaayusang panlipunan na inilitaw ng pananakop ng imperyalismong US sa Pilipinas. Ang patuloy na dominasyon nito sa buhay panlipunan ang nagpapalawig at patuloy na nagpapainog sa malapudyal na kaayusan. Anumang pagsisikap ng mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan ay walang patutunguhan hangga’t ang imperyalismong US ay sagkang nakaharang sa landas ng kanyang pagsulong.
II. Alternatiba: Pambansang Demokrasya
Niyayakap at sinusulong natin ang pambansang demokrasya bilang pampulitikang linya at wastong landas tungo sa tagumpay ng masang anakpawis npara sa pagkakamit ng kanilang mga kapakanam at adhikain. Ang pambansang demokratikong pakikibaka ng mamamayan ay pakikibaka ng inaapi at pinagsasamantalang mamamayang Pilipino.
- Ito’y pakikibaka laban sa imperyalismo. Ito’y paggigiit ng pambansang kasarinlan at patrimonya.
- Ito ay demokratikong pakikibaka para wakasan ang lahat ng pyudal at malapudyal na relasyong umiiral.
- Ito’y pakikibaka para lumaya sa pyudal, burges at kolonyal na kultura.
Ang pambansang demokratikong pakikibaka ay kinakailangang yugto sa pakikibaka ng mamamayanpara sa katarungang panlipunan. Ito ang lumulutas sa saligang kontradiksyon ng kasalukuyang neo-kolonyal at malapudyal na lipunang Pilipino. Sa balangkas nito ay maisusulong ng bagong silang na bansang Pilipinas ang mga demokratikong karapatan at ganap na panlipunang paglaya ng masang anakpawis at ng buong sambayanan.
Ang pambansang demokratikong pakikibaka ay isinusulong ng lahat ng demokratikong uri ng sektorsa lipunang Pilipino. Ang mga manggagawa at mala-manggagawa sa kanayunan* at kalunsuran (* ang maralitang magbubukid, mangingisda, manggagawang bukid/palaisdaan ay itinuturing na mala-maggagawa sa kanayunan) ang pinakamarmi sa lipunan – sila ay 83% ng populasyon. Sila ang pinakaapi at pinaka-pinagsasamantalahang uri, sila ang pinakamalawak at pinakamaasahang baseng tagapagtaguyod ng pambansa- demokratikong pagbabago.
Itinakda ng kasaysayan ang pinakaabanteng uri ng manggagawa- ang uring may pinakaabanteng karanasan sa produksyon, armado ng pinakasiyentipikong ideya, at may pinakamalayong pananaw sa pagbabago ng lipunan. Ang uring ito ang karapatdapat na mamuno sa pakikibaka ng mamamayan.
Kaisa ng manggagawa bilang pangunahin at batayang motibong pwersang magsusulong ng pambansa demokratikong pakikibaka ang mala-manggagawa kapwa sa kanayunan at kalunsaran. Ito ang tinatawag na batayang alyansa. Ang panggitnang magsasaka/mangingisda, peti-burges* sa kanayunan at kalunsuran(* ang inteligentsia – mga propesyunal at intelektual kabilang ang mga kabataang-estudyante at karamihan ng maliliit na negosyante ang bumubuo sa peti-burgesya; sila ang pinaka-progresibong saray ng burgesya) ang malapit na kaalyado ng manggagawa at mala-manggagawa. Sila’y mayroon ding sariling sektoral na interes na hindi kagyat na tunggali sa interes ng malawak na masang anak-pawis. Sila’y maasahang kakampi ng batayang alyansa sa pambansang-demokratikong kilusan sapagkat sila’y inaapi rin sa kasalukuyang sistema.
III. ANG SEKTOR NG KABATAAN
“Only thru militant struggle can the best of the youth emerge. Only by merging with the interest of the masses will the youth realize their role in societal change.” -SNDAng sektor ng kabataan ay bumubuo ng malawak na porsyente ng mamamayan ng lipunang Pilipino. Binubuo nito ang humigit kumulang sa 40% o 32M sa edad na 15 hanggang 35 na taon (depinisyon ng UN sa kabataan) ng kabuuang populasyong ng Pilipinas na umaabot na sa 80 milyon. Likas sa mga kabataan ang kasiglahan ng pag-iisip at pangangatawan. Nasa kasibulan ng pag-iisip at pangangatawan ang mga kabataan na nasa edad na 15 hanggang 25 dahil mayorya sa kanila ay hindi pa tali sa pamilya at produksyon. Ang katangiang ito ay nagbibigay sa mga kabataan ng kakayahang tumingin sa kasalukuyan at maging sa hinaharap.
Taglay din ng kabataan ang pagiging bukas sa mga bagong ideya subalit bukas din ito sa ideya ng imperyalismo at local na naghaharing uri dulot sa pagkalantad nito sa bulok na kulturang inihahain ng lipunan. Ang kabataan ay tumatagos sa lahat ng uri at sektor ng lipunan. Merong kabataan sa paaralan o kabataang-estudyante, kabataan sa komunidad, kabataang manggagawa, kabataang mala-manggagawa, kabataang magsasaka at iba pa. Kalakhan ng kabataan ay kabilang sa uring anakpawis o mula sa uring manggagawa at magbubukid. Ang ilang porsyento ay nagmumula sa uring petiburges at pambansang burgesya.
Ang makauring katangian ng kabataan ay itinakda ng makauring balangkas ng lipunang Pilipino. Dahil sa kasalukuyang sistema na umiiral sa lipunang Pilipino, ang kabataan kasama ng iba pang uri at sektor sa lipunan ay nanatiling matinding napagsasamantalahan sa pamamagitan ng mga umiiral na relasyon at kasunduan sa kasalukuyang lipunan.
Madami nang kabataan ang napipilitang tumigil sa pag-aaral upang magtrabaho sa bukid at sa mga pabrika. Madami ring kabataan ang napipilitang gumawa ng mga anti-sosyal na gawain sa lipunan upang mapilitang mabuhay dahil ang kasalukuyang gobyerno ay tahasang binibitawan ang responsibilidad nito sa mamayan sa pamamagitan ng pagbibitiw sa mga batayang pangangailangan ng mga mamamayan gaya ng edukasyon. May mahigpit na tungkulin sa gayon ang kabataan para baguhin ang sistema na lumilikha ng ganitong kaayusang panlipunan.
a. Krisis ng Sistema ng Edukasyon
“The educational system at all levels, including those for a vocation, a profession or a career, services as a conductor for the transmission to students of individualist ideas, neocolonial values, laws and traditions that do not create a liberative consciousness but strengthens rather the ideological and material forces as a support to underdevelopment.” -Roland G. Simbulan
Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas noon man o ngayon ay nananatiling anti-nasyonalista at anti-demokratiko. Ito ay nananatiling nagsisilbi sa Neo-kolonyal at mala-pyudalismong sistema ng lipunan. Pinananatili nito ang isang sistema ng edukasyon na komersyalisado, kolonyal, pyudal, represibo at elitista upang matiyak ng mga Imperyalistang bansa lalo na ang US ang kanilang interes.
Komersyalisado dahil ang edukasyon ay isa nang komoditi (commodity) o kalakal na para lamang sa mga may kayang magbayad nito. Ito ay nanatili sa kasalukuyan na isang napakamahal na kalakal. Tinatayang sa buwan pa lamang ng Mayo hanggang Hunyo halos P7 000 ang ginagastos ng isang pamilyang Pilipino para sa matrikula (NSO Data May 2003). Habang kumakalam ang sikmura ng pamilyang Pilipino ay patuloy pa rin nilang iginagapang ang edukasyon ng kanilang mga anak sa pag-asang ito’y magdudulot ng isang magandang buhay. Ngunit masakit mang isipin ang patuloy na pananatili ng mga polisiya ng globalisasyon sa anyo ng pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon gaya ng Education Act of 1982, TFI’s at budget cuts sa mga State colleges and Universities (SCU’S) at iba pa ay naglalayo sa pamilyang Pilipino upang makamtan niya ang tinatanaw na magandang bukas.
Kolonyal dahil sa ang buong balangkas ng edukasyon ay nakaprograma sa iskema ng globalisasyon na pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon para matugunan ang lumalaking krisi ng imperyalismo. Matingkad ang neo-kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa dalawang aspeto: (1) sa kanyang prayoridad na kurso at kasanayan (skills) at (2) sa paraan ng paghubog nito ng kamalayan (consciousness formation). Ang edukasyon sa kasalukuyan ay hinubog para magtustos sa pandaigdigang kalakan ng skilled, semi-skilled, docile, english proficient, computer literate, at cheap labor.
Pyudal at represibo, sapagkat sinusuhayan ng kasalukuyang mga tunguhin ng edukasyon ang pagpapanatili ng mga pyudal na kaisipan at gawi. Pinanatiling kimi, atrasado at palasunod ang mga mamamayan upang di maging sagabal sa pagpapatupad ng mga maka-impeng layunin. Mahalagang mapanatili ang ganitong kaisipan dahil sa mahalagang papel ng mga Pilipino sa pandaigdigang palengke ng mga dambuhalang monopolyo kapitalista na magtustos ng maamo at murang lakas paggawa. Kaakibat nito sinusupil kaagad ng mga nagpapatakbo sa mga institusyon ng edukasyon ang kaisipang mapagkaisa at nagsusulong ng batayang karapatan ng mga estudyante upang matiyak ang pagkakahiwa-hiwalay at pagkakawatak-watak ng mga ito.
Elitista, dahil sa kasalukuyan ang edukasyon ay hindi na isang batayang karapatan, kundi isang pribilehiyo o karapatan lamang ng “privileged few”.
b. Alternatiba sa Kasalukuyang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas
“The education of the Philippines must be a Filipino education. It must be based on the needs of the nation. The object is not merely to produce men and women who can read and write or who can add and subtract. The primary object is to produce a citizenry that appreciates and is conscious of its nationhood and has national goals for the betterment of the country and not an archaic mass of people who know how to take care of themselves only. -Renato Constantino
Sa nakaraan at kasalukuyang sistema ng edukasyon na umiiral patuloy na nilulusaw ang pagsusulong ng pambansang demokrasya na magtitiyak ng karapatan at kapakanan ng mamamayan. Kaugnay nito ay kailangang wasakin ang sistemang umiiral at itaguyod ang isang makabayan, siyentipiko, pang-masa at libreng edukasyon na magtitiyak na naipapatupad ang batayang karapatan ng mamamayan
Makabayan, upang sa ganun ay patuloy na malinang sa sambayanang Pilipino ang ang diwa ng pagiging Pilipino at itaguyod niya ang interes ng sambayang Pilipino. Lilinangin ang isang wika na siyang magiging pundasyon ng komunikasyon ng bawat Pilipino.
Yayakapin ng bawat mamamayan ang diwang makabansa ng sa pagdating ng dayuhang mga ideya na sumusulpot upang gawin at panatilihing atrasado ang Pilipinas ay handa ang mamamayan nito na ipaglaban ang kanyang identidad bilang Pilipino at ang kanyang bansa upang isulong ang pambansang demokrasya.
Siyentipiko upang makapagpasulpot ng mga mamamayang kritikal at may kakayahahang (skills) na magtaguyod ng pambansang industriyalisasyon. Lilikha ito ng mga Pilipinong siyentipiko na magsisimula ng mga industriya at mamamayang kumikilala sa angking kakayahan ng mga Pilipino. Maka-masa dahil sinasalamin nito ang aktwal na kalagayan ng mamamayan sa lipunan. Kinikilala nito ang pangangailangan ng masa at inilalapat nito ang solusyon na angkop para sa pag-unlad ng mamamayan. Lilinangin nito ang isang sistema ng edukasyon na umaangkop sa pagsusulong ng interes at kagalingan ng masa at sambayanang Pilipino.
Makakamtan lamang ng sambayanang Pilipino ang tunay na katarungan, kalayaan at demokrasya, kung mababasag niya ang kasalukuyang sistema ng edukasyon at lipunan, ang neo-kolonyal at mala-pyudalismong kaisipan. At sa pagtataguyod ng isang alternatibang sistema ng edukasyon na pupukaw sa bawat mamamayan sa kung ano ba talaga ang aktwal na kalagayan at solusyon sa krisis ng lipunan.
V. Ang Youth for Nationalism and Democracy
Ang YND ay tumatayo bilang isang pampulitikang sentro ng kilusang kabataan. Bilang isang pampulitikang sentro, kinakatawan nito ang pinakaabanteng pagsusuri, mithiin at pakikibaka ng kabataan. Nagsisilbi itong pang-organisasyong balangkas ng pagkakaisa at pagkilos ng kabataan upang magampanan nito ang mga tungkulin ng kilusang kabataan asa pagsusulong ng pambansang demokrasya.
Ang YND ay isang pambansa-demokratikong organisasyong masa kung saan bukas ito sa lahat ng kabataang nais kumilos at lumahok sa pambansa demokratikong pakikibaka. Tumatanggap ito ng mga kasapi ng walang pagtatangi basta’t handa niyang tupdin ang prinsipyo, programa at konstitusyon ng organisasyon. Ang pang-masang katangian ng YND ay matitiyak lamang sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga balangay ng organisasyon sa loob ng paaralan at komunidad. Ang mga balangay na ito ang siya ring magtitiyak na ang YND ay malalim na nakaugat sa masa ng kabataang estudyante.
Ang YND ay isa ring aktibistang organisasyon na iniluluwal ng partikular na katangian ng kabataan na likas na matalas sa pulitika, makilos, masigla at madaling magbukas sa ideya. Ang organisasyon ang magsisilbing daluyan upang magsanay ng mga kabataang mahigpit at pursigidong magtataguyod ng simulain at programa para sa pambansang demokrasya.
Puspusang sinasalamin ng YND ang sentral na tungkulin ng kilusang kabataan na pukawin, organisahin at pakilusin ang kabataan para sa pambansa demokratikong pakikibaka; gampanan ang partikular na tungkuling ipalaganap ang programa ng pambansang demokrasya sa pamamagitan ng pambansa demokratikong kilusang propaganda; aktibong lumahok sa pakikibaka ng batayang masa at manguna sa pakikibaka upang makamit ang mga kahilingan para sa kagalingan, karapatan at demokratikong interes ng kabataan.
a. Mga Pangkalahatang Prinsipyo, Layunin at Tungkulin ng YND
Ang mga pangkalahatang Prinsipyo, layunin at tungkulin ng Youth for Nationalism and Democracy (YND) ay nasa balangkas at alinsunod sa pangkalahatang pampulitikang linya, prinsipyo at oryentasyongg pambansa demokratiko.
Itataguyod ng YND kasama ng iba pang demokratikong pwersa ang sumusunod na programa ng pakikibaka:
1. Lansagin ang neo-kolonyal at malapyudalismong kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng paglaban sa imperyalismo.
2. Buwagin ang monopolyo sa lupa. Bawiin ang lupaing kinamkam ng mga asendero at libreng ipamahagi ito sa mga magbubukid.
3. Bawiin mula sa control ng dayuhan at isabansa ang mga pangunahing industriya, kagamitan sa produksyon at tiyakin ang makatarungang pakinabang ng mga manggagawa.
4. Pawiin ang lahat ng sagwil sa kasarinlan. Wakasan ang mga di-pantay na kasunduan at dikta ng mga dayuhang kapangyarihan.
5. Itaguyod ang demokratikong karapatan ng mamamayan. Ipawalang-bisa ang mga batas at kautusang yumuyurak sa karapatang demokratiko at kalayaang sibil ng mamamayan;
6. Palayain ang kababaihan sa lahat ng anyo ng pang-aapi at pagsasamantala at igalang ang pantay na karapatan ng kababaihan;
7. Kilalanin ang karapatan ng mga katutubong Pilipino na paunlarin ang kanilang ekonomiya, kaayusang pulitikal at kultura.
8. Iwaksi ang dekadenteng imperyalistang kultura at atrasadong pyudal na kaisipan at itaguyod ang kulturang bayan, siyentipiko at makabayang pananaw;
9. Itaguyod ang ugnayang panlabas na nakabatay sa karapatan ng mga bansa at lahi. Itaguyod ang paggagalangan at tutulan ang anumang anyo ng panghihimasok sa yaman at teritoryong saklaw ng isa’t-isa.
10. Itindig ang pamahalaang kakatawan sa interes at kapangyarihan ng mamamayan. Buuin sa ubod nito ang batayang alyansa ng manggagawa at mala-manggagawa at ang pakikiisa ng mga magbubukid, kabataan, propesyunal, relihiyoso, makabayang negosyante, at tapat na lider ng bayan.
b. Alinsunod at sa pagtataguyod sa mga prinsipyo at layuning ito, gagampanan ng YND ang mga tungkuling:
1. Isulong ang pambansa demokratikong kilusang propaganda.
2. Isulong ang sektoral na pakikibaka ng kabataan at estudyante, masiglang suportahan ang pakikibaka ng mga guro para sa kanilang demokratikong karapatan.
3. Umuugnay at sumusuporta sa kilusang manggagawa at kilusang magsasaka at sa mga pakilos at pakikibaka ng iba pang pinagsasamantalahan at inaaping sektor ng lipunan.
4. Tumulong sa pagbubuo ng pambansa-demokratikong alyansa at sa pagkabig sa iba pang positibong pwersa.
5. Iugnay ang pambansa demokratikong pakikibaka ng sambayanang Pilipino sa pakikibaka ng mga mamamayan, bansa at nasyunalidad ng daigdig laban sa imperyalismo at likumin ang pinakamalawak na pandaigdigang suporta para dito.
VII. Pang-organisasyong Balangkas
Sinumang kabataan na handing tupdin ang mga paninindigan, programa at Saligang Batas ng organinsasyon ay maaring maging kasapi ng YND. Lahat ng kasapi sa YND ay kailangang magsumite ng membership form na aaprubahan ng kagyat na nakatataas na pamunuan ng organisasyon. Gayundin, kailangang makakuha nag bawat isa pag-aaral hinggil sa oryentasyon ng YND.
Ang balangay ang magsisilbing batayang yunit ng YND. Ang opisyal na balangay ay bubuuin ng hindi kukulangin sa 15 aktibistang kasapi. Bubuuin ito sa loob ng mga paaralan at komunidad kung saan mayroong YND organizing. Kung hindi pa nakatitipon ng sapat na bilang, maaring itayo muna ang OC o Organizing Committee na maghahanda para sa pagbubuo ng ganap na balangay ng YND.