Youth for Nationalism and Democracy
Ang Lipunang Pilipino
Ang kasaysayan ng Pilipinas ay kasaysayan ng pananakop. Niluwal nito ang neo-kolonyal-malapyudal na sistema: atrasado, di-industriyalisado, umaasa at binubuhay ng pagkakatali nito sa Imperyalismong US. Kaya't palagian itong nasa krisis.
Gayundin may krisis ang kasalukuyang sistema ng edukasyon: komeryalisado, elitista, kolonyal at represibo. Hindi karapatan kundi pribilehiyo na siya sa karaniwang kabataan kung kaya't lalong nagiging madilim ang kinabukasan ng sinasabing pag-asa ng bayan.
Ang Kabataan
Natatangi ang sektor ng kabataan sapagkat ito'y tumatagos sa lahat ng uri at sektor na maaaring pagkaisahin kauganay ng iisang mithiin - ang maging isang epektibong pinuno sa hinaharap. Sa gayon, ang pagkakaisa sa pakikibaka para sa pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon.
Mula edad 15-35 ang mga kabataan ay may masigla at aktibong pag-iisip at pangangatawan. Sa gayon, may kakayahang tupdin ang mga tungkuling nakaatang sa kanya na may pagtitiyaga, sakripisyo at determinasyon.
Ang pagkakatipon ng mga kabataan sa eskwelahan at sentrong urban ay naglalatag ng batayan para sa pagtatayo ng natatanging kilusan para sa pagbabagong pampulitika at ekonomya.
Kasama ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang inaapi at pinagsasamantalahang sektor sa lipunan, binubuo nila ang pinakamalawak na pagkakaisa laban sa imperyalimo, pyudal at mala-pyudal na relasyong umiiral sa lipunan at iba pang sagwil sa karapatan at kagalingan ng nakararaming masang Pilipino.
Tayong kabataan
ay kinakailangang walang humpay na makibaka para sa isang siyentipiko, makamasa at tunay na mapagpalayang edukasyon, mulat na kinakawing ang ating pambansa demokratikong kilusang propaganda sa buong pakikibaka ng masang inaapi at pinagsasamantalahan.
....ang dulong mithiin
ay palagiang kasama ang masang inaapi at pinagsasamantalhan upang hubugin ang kanilang mga maka-sariling gawi at pag-iisip upang umambag ng lubos sa pagbabago ng lipunan at paglikha ng kasaysayan.